Saturday, August 18, 2012

Wala Yata sa Planetang Ito ang Lalaking Para sa Akin (A Repost)

Meet my boyfriend. :p
"She's taking her time making up the reasons
To justify all the hurt inside
Guess she knows from the smile
and the look in their eyes
Everyone's got a theory about the bitter one..."

Kanina, nakakita ako ng isang estatwang astronaut. At siyempre, kagaya ng mga nakaraang panahon, hindi ko pinalampas ang pagkakataon na magpakuha ng larawan sa taong galing sa buwan.

Buwan. Heto na naman ako. (O heto na naman kami?) Ilang buwan na rin akong nakikipagsapalaran sa ngalan ng pinaniniwalaan kong tunay na pag-ibig. Paminsan nga, pakiramdam ko, kontrabida na ang papel ko.


Papel. Siguro masyado na akong nagiging ma-papel. Pero, hindi naman din siguro masama kung magsalita ka sa mga taong nakakasama mo araw-araw, yung mga kasama mo sa pinaka-pangit at mababang panahon ng kanilang mga buhay. Katulad na lang nang kapag nakanganga sila sa pagtulog, magulo ang buhok kapag bagong gising, kapag mangungutang sayo tuwing kulang sa pamasahe, kapag nag-away sila ng nanay niya (na nanay mo rin), kapag wala silang makasama sa isang mahalagang event na gusto nilang puntahan (kahit alam mong aabutin na naman kayo ng madaling-araw at sa may Quiapo pa yun). Siguro hindi naman masama yun.


Masama. Masama ba akong kapatid? Masama ba akong kaibigan? Masama bang ipaglaban ko ang alam kong nakabubuti para sa kapatid at kaibigan?


Kaibigan. Lahat ng mga kaibigan ko, tinatanong kung kelan ako magkaka-boyfriend. Kesyo masyado daw akong pihikan - mataas ang standards. Nakaka-intimidate daw ako - masyadong strong personality, outspoken, at matalino.


Bakit? Kelangan bang magpaka-tanga para ibigin? Wala na bang lalaking makakatapat sa kadaldalan ko at likot ng isip ko? Kelangan bang babaan ko ang panuntunan ko - ang sariling pagkatao ko - kasama ng paniniwala ko sa Diyos, sa pamilya ko, sa sarili ko, para lang umibig at ibigin?


Siguro nga, may karapatan silang mainis at magtanong. Wala yata sa planetang ito ang lalaking para sa akin.


"But somewhere in a private place

She packs her bags for outer space
And now she's waiting for
The right kind of pilot to come"

- Savage Garden, To the Moon and Back

2 comments:

  1. Shared to our youth.. :-)

    ReplyDelete
  2. Thanks po! It is actually my prayer: that more people will follow Christ as I strive to follow Him as well. :)

    ReplyDelete