Saturday, August 18, 2012

"Ang Surot"

(Photo from:  http://enelym001.wordpress.com/tag/dubai/)
Dahil Buwan ng Wika pala ngayon, nais kong magbahagi ng isang tula na pinamana pa sa akin ng yumao kong lola noong ako ay tatlong taong gulang pa lamang (ibig sabihin, 23 taon nang nasa kukote ko itong tulang ito).

Noong bata pa ako, binibigkas ko ang tulang ito (with matching actions pa!) tuwing may bisita sa bahay. Pero sa pagtanda ko, minsan ko lang ito naibahagi: nung nanghingi ng malupit na joke ang propesor ko sa isang pagsusulit katumbas ng karagdagang sampung puntos. Salamat naman, natuwa siya.

Kaya, heto, pampasaya lang:



Ang Surot

Ako'y napaupo
sa lumang bangko
Lintik na surot
Sundot nang sundot
Sa kakasundot,
ako'y napa-utot
Kawawang surot
namatay sa bantot


Hayaan niyo, sa susunod, may video na ng actions. Haha.
Maligayang Buwan ng Wika! 


No comments:

Post a Comment