Tuesday, August 4, 2015

Kaligayahan

Naghahabol, nagtatago, nalilito
Gusto kumawala sa lumang siklo
Nagpapaka-misteryoso
baka sakaling sumeryoso

Kaligayahan, ano nga ba ang paraan
Sinusuri kung hahanapin
kapag nawala baka ako ang habulin
kapag kumawala sa akin sisihin

Kaligayahan, ano nga ba ang dahilan
Panandalian, pangmatagalan
Hinahanap kung saan-saan
Habang-buhay o magpakailanman?