(Photo from: http://enelym001.wordpress.com/tag/dubai/) |
Noong bata pa ako, binibigkas ko ang tulang ito (with matching actions pa!) tuwing may bisita sa bahay. Pero sa pagtanda ko, minsan ko lang ito naibahagi: nung nanghingi ng malupit na joke ang propesor ko sa isang pagsusulit katumbas ng karagdagang sampung puntos. Salamat naman, natuwa siya.
Kaya, heto, pampasaya lang:
Ang Surot
Ako'y napaupo
sa lumang bangko
Lintik na surot
Sundot nang sundot
Sa kakasundot,
ako'y napa-utot
Kawawang surot
namatay sa bantot
Hayaan niyo, sa susunod, may video na ng actions. Haha.
Maligayang Buwan ng Wika!